Aber Sino
itong Konsehal ang nagsisilbing Kontrabida diumano sa pag angat at pag progreso
ng Barangay? Aba’y sa pag pasyal ng inyong Tyo Pinong sa Barangay na ito ay
hindi maiwasang hindi marinig ng inyong lingkod ang mga umpukan.
Walang
ibang topic ditto kundi itong si konsehal na Bitter at Kontrabida umano sa
kanila. Ayon sa ating mga Alagang Manok na syang nagsisilbing tiga-tiktik ni
Tyo Pinong, hindi mawari ng mga taga-Barangay ang dahilan kung bakit mula pa
nung una ay kontrabida na talaga ito!
Tanong
nila, hindi kaya inggit itong si konsehal dito sa Kapitan ng Barangay dahil
sobrang sikat nito at sobrang mabangong mabango ang pangalan mula nung umupo
ito sa pagka-kapitan?
Tanong ni
Tyo Pinong, Totoo bang Inggitero itong si Konsehal kay Kapitan?
Aba’y sa
una pa lamang umano ay ito na ang tila kumukontra sa lahat ng gusting mangyari
ng Barangay.
Sabi pa dun
sa umpukan, “Pasalamat ka Konsehal dahil sakto lang ang tumakbong konsehal sa
konseho dahil kung hindi mukhang marami-rami na ang tanim mong tanglad.”
Aber Sinoo?
Nahulaan nyo na ba? Kung nahulaan nyo, i-message nyo ako sa pamamagitan ng
aming facebook page na BICOL NEWS SERVICE https://web.facebook.com/BicolNewsService/