photo credits to the owner |
Nitong mga nagdaang linggo ay hindi maitatago sa atin ang paglaki ng bilang ng mga tinamaan ng dengue na mula sa kagat ng lamok. ang masama pa nito, lumulubo din ang mga naitatalang mga namamatay hindi lang sa bicol kundi pati na rin sa maraming rehiyon sa Pilipinas.
Mapa Bata, Matanda, Mayaman o Mahirap ay walang sinasanto ang mga lamok na ito! Katunayan kahit batang Artista ay namatay dahil sa nasabing virus. Kaya naman lubhang naalarma dito ang mga otoridad kung kaya kaliwa't kanan ang ginawang paglilinis sa kada sulok ng barangay upang maiwasan na makapaminsala pa ang mga dengue carrying mosquito.
Kamakailan lang, hindi lang mga pinoy ang "nadale" ng mga lamok na ito. ilang mga intsik ang nagka dengue din dahil sa kagat ng lamok. sinasabing ang mga chinese nationals na ito ay nasa loob umano ng ating Philippine Sea. kahit pa nagdurusa ang ilan sa ating mga kababayan ay tila natuwa pa ang mga netizen dahil sa balitang ito! ayon sa mga pinoy netizen, dapat umanong gawaran ng pagkilala ang mga nasabing lamok dahil nagpakita ito ng pagka makabayan. kumalat din ang napakaraming "internet memes" na binigyan pa ng ranggo ang mga nasabing insekto.
Ayon sa isang Psychiatrist, Paraan lamang umano ito ng pinoy na pasayahin ang sarili para kahit papaano ay pansamantalang mabawasan ang mga iniindang problema. bagamat mayroong iilan na tila nagtataas ng kilay, mayroon din namang tinatawanan lamang ito dahil alam nila na biro lamang ang mga ito. ika nga, Good Vibes lang! -RedLacsa2019
No comments:
Post a Comment