Thursday, September 19, 2019

KONSEHAL, BITTER SA ISANG BARANGAY? ABER SINOO?


     Aber Sino itong Konsehal ang nagsisilbing Kontrabida diumano sa pag angat at pag progreso ng Barangay? Aba’y sa pag pasyal ng inyong Tyo Pinong sa Barangay na ito ay hindi maiwasang hindi marinig ng inyong lingkod ang mga umpukan.
     Walang ibang topic ditto kundi itong si konsehal na Bitter at Kontrabida umano sa kanila. Ayon sa ating mga Alagang Manok na syang nagsisilbing tiga-tiktik ni Tyo Pinong, hindi mawari ng mga taga-Barangay ang dahilan kung bakit mula pa nung una ay kontrabida na talaga ito!
Tanong nila, hindi kaya inggit itong si konsehal dito sa Kapitan ng Barangay dahil sobrang sikat nito at sobrang mabangong mabango ang pangalan mula nung umupo ito sa pagka-kapitan?
Tanong ni Tyo Pinong, Totoo bang Inggitero itong si Konsehal kay Kapitan?
Aba’y sa una pa lamang umano ay ito na ang tila kumukontra sa lahat ng gusting mangyari ng Barangay.
     Sabi pa dun sa umpukan, “Pasalamat ka Konsehal dahil sakto lang ang tumakbong konsehal sa konseho dahil kung hindi mukhang marami-rami na ang tanim mong tanglad.”
Aber Sinoo? Nahulaan nyo na ba? Kung nahulaan nyo, i-message nyo ako sa pamamagitan ng aming facebook page na BICOL NEWS SERVICE https://web.facebook.com/BicolNewsService/

Friday, September 13, 2019

(VIRAL SHOCK) LAMOK SA PINAS, GINAWANG BAYANI NG NETIZEN

photo credits to the owner
     Kilalang ugali ng pinoy na gumawa ng kalokohan bilang pantanggal stress at umay sa gulo ng pinas maging ang buong mundo. Kahit nga nasa gitna ng kalamidad tulad ng bagyo, hindi maia-alis sa pinoy ang gumawa ng kalokohan. Katulad na lamang noong nag viral ang mga larawan sa social media na kahit binaha na ng abot bewang ay hindi parin mapigilan ang kanilang ika nga eh "inuman session".
     Nitong mga nagdaang linggo ay hindi maitatago sa atin ang paglaki ng bilang ng mga tinamaan ng dengue na mula sa kagat ng lamok. ang masama pa nito, lumulubo din ang mga naitatalang mga namamatay hindi lang sa bicol kundi pati na rin sa maraming rehiyon sa Pilipinas.
Mapa Bata, Matanda, Mayaman o Mahirap ay walang sinasanto ang mga lamok na ito! Katunayan kahit batang Artista ay namatay dahil sa nasabing virus. Kaya naman lubhang naalarma dito ang mga otoridad kung kaya kaliwa't kanan ang ginawang paglilinis sa kada sulok ng barangay upang maiwasan na makapaminsala pa ang mga dengue carrying mosquito.
     Kamakailan lang, hindi lang mga pinoy ang "nadale" ng mga lamok na ito. ilang mga intsik ang nagka dengue din dahil sa kagat ng lamok. sinasabing ang mga chinese nationals na ito ay nasa loob umano ng ating Philippine Sea. kahit pa nagdurusa ang ilan sa ating mga kababayan ay tila natuwa pa ang mga netizen dahil sa balitang ito! ayon sa mga pinoy netizen, dapat umanong gawaran ng pagkilala ang mga nasabing lamok dahil nagpakita ito ng pagka makabayan. kumalat din ang napakaraming "internet memes"  na binigyan pa ng ranggo ang mga nasabing insekto.
     Ayon sa isang Psychiatrist, Paraan lamang umano ito ng pinoy na pasayahin ang sarili para kahit papaano ay pansamantalang mabawasan ang mga iniindang problema. bagamat mayroong iilan na tila nagtataas ng kilay, mayroon din namang tinatawanan lamang ito dahil alam nila na biro lamang ang mga ito. ika nga, Good Vibes lang! -RedLacsa2019